Mahigit 1,600 motorcycle riders, tutulong sa mga pulis sa pagsugpo ng krimen ng riding-in-tandem sa Cavite

Ilan sa mga motorcycle rider na nakiisa sa paglulunsad ng Unified Motorcycle Riders Group noong Lunes, October 16,  sa Cavite Police Provincial Office, Camp Gen. Pantaleon Garcia, Imus City.

IMUS CITY, Cavite (Eagle News) –  Nanumpa noong Lunes, ika-16 ng Oktubre, ang mga sibilyan na tutulong sa mga pulis sa pagsugpo ng mga krimen sa Cavite.

Pinangunahan ni Senior Supt. William M. Segun, officer in charge ng Cavite Provincial Police Office, ang panunumpa ng mahigit 1600 na  miyembro ng Unified Motorcycle Riders Group sa Camp General Pantaleon Garcia.

Kasama rin sina Cavite Governor Atty. Jesus Crispin C. Remulla, Chief Supt. Ma O R Aplasca, regional director, PRO4A sa katauhan ni PSupt Elmar Sillador, at PSInsp. Arthur C. Cortez, Provincial Officer Highway Patrol Group.

Ang grupo ay magsisilbing “force multiplier” ng mga pulis sa mga operasyon.

Noong Lunes, namahagi ng  mga identification card sa bawat miyembro, at ng stickers sa motorsiklo sa bawat kaanib para sa kanilang pagkakakilanlan.

 

Willson Palima, Jackie Palima, at Lloyd Bautista – Eagle News Correspondents

 

 

 

This website uses cookies.