Mahigit 180 inmates sa Tayug, Pangasinan, nakinabang sa medical-dental mission

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng medical at dental mission sa Tayug, Pangasinan. Ito ay bilang pakikiisa sa National Correction Consciousness Week para sa mga inmates. Nasa mahigit sa 180 inmates ang nakinabang sa libreng check up at pagbunot ng ngipin.

Ang mga doktor ay nagmula sa Tayug Family Clinic at ang mga gamot naman ay mula sa Rural Health Unit ng nasabing bayan na libreng ipamimigay sa mga inmates.

Ayon kay Jail Warden Rodel Cadpino, ito aniya ay weeklong activity para sa mga inmates. Nagsimula ito noong Lunes, Okktubre 24 at magtatapos sa Oktubre 29. Dagdag pa na pinili nilang gawin ang medical at dental dahil na rin sa kahilingan ng mga inmates na makapagpa-check up at para mapabuti ang kanilang pananatili sa loob ng piitan.

Sa mga susunod na mga araw ay magsasagawa sila ng recreational sport activity. Sa araw ng Biyernes, Oktubre  28 ay darating ang mga taga-korte para magbigay ng legal consultation sa mga inmates. Labis naman ang katuwaan ng mga inmates sa ginawang ito para sa kanila.

Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan

2eaa40f6-60c8-4fd8-a5e6-3a7cd704038f 6fd24b91-01d1-44b1-8134-2dcd934376b8 b3137d8a-25aa-4e62-97ca-d24c9f65b5ec eac0dda6-eb39-4b15-a804-c7e826b76ce2 f2189c35-8a07-4354-8217-db3083ae2147