POLOMOLOK, South Cotabato — Mahigit dalawang daang indibidwal na ang lumikas kasunod ng nagpapatuloy na forest fire sa paanan ng Mt. Matutum.
Ang mga lumikas na residente ay mula sa apat na purok sa barangay Kinilis, Polomolok, South Cotabato .
Ayon kay kay kapitan Marina Tapay, kasalukuyang namamalagi sa barangay hall ang mga ito sa takot na maabot ng apoy ang kanilang mga bahay.
Kasalukuyan namang nasa barangay ang mga personnel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Red Cross upang magbigay ayuda sa mga apektadong pamilya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano naaapula ang apoy na hindi pa matukoy ang pinagmulan.