ORANI, Bataan (Eagle News) – Mahigit 2,000 katao ang nakilahok sa 17th Orani Water Dragon Run.
Isinagawa ito sa Orani, Bataan. Madaling araw pa lamang ay dumating na ang maraming participants. Taun-taon ay idinadaos ito para makalikom ng pondo upang patuloy na maprotektahan ang Tala watershed. Mula sa nalilikom na pondo ay nagtatanim sila ng seedlings sa Brgy. Tala na siyang pinagkukuhanan ng tubig ng Orani maging ng mga karatig bayan nito.
Pinangunahan ni Mayor Efren Bonjong Pascual ang nasabing aktibidad. Binanggit din ang alkalde ang plano nitong no smoking policy, waste segregation at responsible pet ownership na ipapatupad sa Orani.
Maayos na natapos ang aktibidad at tuwang tuwa ang mga nakiisa dahil muli silang nakatulong para patuloy na maingatan ang Tala watershed.
Dhanielyn Canlas Punzalan – EBC Correspondent, Bataan