Mahigit 30 K-9 units, sasanayin ng PHL Coast Guard para sa pagtulong sa pagsugpo ng droga

Ibat ibang breed ng mga aso na nasa pangangalaga ng Philippine Coast Guard ang sasanayin sa Romblon para sa pag-amoy at pagtunton sa mga ipinagbabawal na gamot.
Sa isang send-off ceremony, dinala ng kani-kanilang handler ang mga aso na nauna nang sumailalim sa training sa coast guard facility sa Taguig.
Subalit mas ibayong pagsasanay pa ang gagawin sa mga K-9 bago isabak sa ibat ibang operasyon na may kinalaman sa pagsugpo sa iligal na droga.
Pagdating sa Romblon, magkakaroon ng selection process sa mga K-9 batay sa magiging resulta ng unang bahagi ng kanilang training doon.

Kung hindi makakapasa sa anti-narcotics, sasanayin ang iba pang mga aso sa pag-amoy at pagtunton sa iba pang kontrabando gaya ng mga explosive material.
Sasanayin din ang mga aso para sa rescue.

Kinakailangan ng coast guard ang karagdagang K-9 para magbantay sa ibat ibang mga pantalan sa bansa lalo’t may ilan na ang nasabing pasilidad ang ginagamit para ipuslit ang droga.

Tiniyak naman ng coast guard ang kanilang kahandaang tumulong sa iba pang law enforcement agencies na kailangan ang mga K-9 dog.

Ito’y lalot papalapit ang asean summit kung saan kinakailangan ang mga ito para makatulong sa pagtitiyak sa seguridad sa ibat ibang venue ng pagpupulong.

Aminado ang coast guard na malaki pa ang kakulangan sa kanilang K-9 dog kaya hinimok nila ang mga dog lover na nais ipa-volunteer ang kanilang mga aso para sa training.
Magdaragdag rin daw sila ng K-9 facility sa Corregidor at Taguig upang mas mapadali ang pagsasanay sa mga aso.

(Jerold Tagbo, Eagle News)

Related Post

This website uses cookies.