Mahigit 300 katao lumahok sa Fun Run ng DTI sa Ipil, Zamboanga Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Nasa mahigit 300 katao ang lumahok sa isinagawang Fun Run ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Engr. Al-Zamir Lipae, Provincial Director ng DTI-Sibugay, ang 8 Kilometer Fun Run ay sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Zamboangaa Peninsula Region. Dagdag pa, ito ang kauna-unahang Consumer Run sa rehiyon na may temang “Consumer Protection: A Shared Responsibility”.

Karamihan sa mga sumali para tumakbo ay mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan at mga kawani ng Pribado at Pampublikong tanggapan. Kabilang din sa lumahok ay ang 5 taong gulang na si Joshua Lastimoso.

Samantala, ayon kay Micheal Malacca, Presidente ng United Zampen Comsumers Association, ang nalikom na pondo ay gagamitin ng Asosasyon sa pagtulong sa iba pang mga Asosasyon na mairehistro sa Security of Exchange Commission (SEC). Mayroon aniyang dalawamput apat na aktibong Consumer Association sa Rehiyon ngunit marami ang hindi pa rehistro sa SEC.

Jen Alicante – EBC Correspondent, Zamboanga Sibugay

 

Related Post

This website uses cookies.