TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Mahigit na 300 estudyante ng Luciano Millan Memorial School of Arts and Trades ang nakatapos sa kanilang pag-aaral na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa ika-anim na distrito ng Pangasinan. Kabilang sa kurso na kanilang natapos ay Massage Therapy at Shielded Metal Arc welding (SMAW) sa kooperasyon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay Rosa Untalan, Vocational School Admin 3 ng LMMSAT-Asingan, ang mga nagsipagtapos ay ang mga nakapasa sa special training program na binibigay sa mga kapos-palad na gustong mag-aral. Pagkatapos ng kanilang training ay mabibigyan sila ng toolkit na magagamit nila para sa paghahanap-buhay, pansarili o for employment purposes.
Ayon kay Gng. Mary Ann, isang maybahay, nagtitinda ng yema jam at mga alahas, nag-aral siya upang makapagpatayo ng maliit na negosyo. Naenggayo rin umano siyang mag-aral sapagkat ang babaeng welder ay kasalukuyang in demand sa ibang bansa.
Courtesy: Juvy Barraca – Pangasinan Correspondent