Mahigit labing tatlong libo-katao na sa Colombia ang apektado ng Mosquito-Borne Zika Virus at maaari pang tumama sa mahigit pitong daang libo-katao.
Ayon sa PAN-American Health Organization Figures, pumapangalawa ang Colombia sa Brazil sa infection rates.
Limang daan at animnapung nagdadalang tao naman ang kabilang na sa naimpeksyon ng zika virus.
Sa kasalukuyan ay wala pa namang naitatalang kaso ng bagong panganak na sanggol na nakararanas ng microcephaly, isang congenital defect sanhi ng zika virus.
Nag-abiso naman ang Colombian government para sa mga kababaihan nito na ipagpaliban muna ang pagbubuntis sa loob ng anim hanggang walong buwan upang maiwasan ang posibleng impeksyon.