Mahigit 350 nurses, kailangan sa Germany – POEA

MANILA, Philippines (Eagle News) — Aabot sa 350 na nurse ang kailangan ng Germany batay sa impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Kabilang sa mga kailangan ay mga nurse na may dalawang taong karanasan sa intensive care unit (ICU), general, medical at surgical ward, geriatric care, at operating room.

Babayaran ng employer ang visa at pamasahe patungo sa nabanggit na bansa.

Ayon sa POEA, may starting monthly salary na 1,900 Euros o 114 thousand pesos ang mga matatanggap na nurse na maaari pang tumaas hanggang 2,300 Euros o 138 thousand pesos kapag nasertipikahan ang aplikante bilang qualified nurse.

Ang sinumang makakapasok ay dadaan sa pagsasanay sa wikang German.

 

Related Post

This website uses cookies.