Mahigit 500 mag-aaral, nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskuwela sa Zamboanga Sibugay

Halimbawa ng mga kagamitan sa pag-aaral na ipinamahagi sa mga kabataan.
Halimbawa ng mga kagamitan sa pag-aaral na ipinamahagi sa mga kabataan.

IMELDA, Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Mahigit limang daan na estudyante na papasok palang sa elementarya  ang nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskwela sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Mayor Roselyn Silva, ang pamamahagi ng mga bag, lapis, notebook sa mga estudyante ay upang wala nang maidahilan ang mga magulang na hindi nila mapaaral ang kanilang anak dahil sa kahirapan.

Tangi sa sa pamamahagi ng gamit sa eskuwela, nagsagawa rin ng medical outreach  sa lugar, kung saan ang unang nakinabang ay ang mga senior citizen.

Mayroon ding libreng  gupit at tuli kung saan nakatulong din ng lokal na pamahalaan ang militar at Department of Health. (Eagle News Service, Zamboanga Sibugay Correspondent Ferdinand C. Libor, Jr.)