Mahigit limang libong pamilya na nasalanta ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Iloilo ang pinagkalooban ng gobyerno ng calamity fund na nagkakahalaga ng 30 thousand pesos.
Isinagawa ang pamimigay ng tulong sa mg pamilyang biktima ng bagyong Yolanda sa gym ng Alejo Posadas Memorial Elementary School at dinaluhan ang pagbibigay ng total calamity fund ng Vice Governor ng probinsya ng Iloilo na si Vice Governor Raul “Boboy” Tupas at umabot sa 163,640.000 pesos ang naipamigay na tulong.