Mahigit 5,000 preso sa Manila City Jail, isasailalim sa tuberculosis mass screening

MANILA, Philippines (Eagle News) — Magsasagawa ng mass screening ngayong araw, Marso 12, para sa mga preso sa Manila City Jail, ang Department of Health (DOH) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay upang matukoy kung ilan sa 5,000 preso ang apektado ng sakit na tuberculosis.

Matatandaang napaulat na mahigit sa 40 katao ang nagpositibo sa sakit na tuberculosis dahil sa mainit na panahon at pagsisiksikan sa bilangguan.

Related Post

This website uses cookies.