(Eagle News) — Mas nakararaming Pilipino ang pabor sa pagbubuhay sa parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimeng may kaugnayan sa iligal na droga, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa 1,200 respondents, 61% ang sang-ayon sa death penalty bill. Binubuo ito ng 36% ‘strongly approve’ at 24% ‘somewhat approve.’
Samantala, 23% naman ang hindi sang-ayon, na binubuo ng 16% ‘strongly disapprove’ at 7% ‘somewhat disapprove.’
Labing-anim na porsiyento naman ang hindi pa nakakapagpasya ukol sa usapin ng death penalty bill.
Napag-alaman din sa survey na 48% ng mga Pilipino ang may sapat na kaalaman ukol sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan, habang 52% naman ang may kaunti o halos walang alam ukol dito.
Isinagawa ng SWS ang survey na ito mula March 26 hanggang 28 sa pamamagitan ng harapang pakikipagpanayam sa tig-300 respondents sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.