Mahigit 700 Barangay sa Iloilo Province, drug free

IloIlo (Eagle News) — Aabot na sa 719 na barangay sa lalawigan ng Iloilo ang naideklarang drug free.

Ayon kay Iloilo Police Provincial Office Director Senior Superintendent Harold Tuzon, ito ay walumpung porsyento ng 895 barangays na kanilang na-identify na apektado ng iligal na droga.

Dahil rito, aabot nalang aniya sa 176 barangays ang natitirang laganap parin ang operasyon ng illegal drugs.

Aminado naman si Tuzon na ang hamon sa kanila ngayon ay kung paanong mapapanatiling drug free ang mga nasabing barangay.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng Pnp Region 6 ang mga barangay na naideklara ng clear sa droga ay dapat na magkaroon ng mga Antidrug awareness program sa kanilang mga lugar.

Ang mga nalululong naman sa iligal na droga ay hinikayat na boluntaryong sumuko at magpasailalim sa rehabilitation program.

https://youtu.be/AaLF_-8aIm8