LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Aabot na sa mahigit 78% sa buong lalawigan ang drug-cleared na ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1.
Ayon kay Bismarck Bengwayan, Public Information Officer at Chief Preventive Education and Community Involvement Section, sa inilabas na pinakahuling drug clearing statistics sa Pangasinan ng PDEA, mula sa kabuuang 1,271 na drug affected sa lalawigan, 78.36% nito ay drug cleared na.
Nasa 275 na lamang aniya ang bilang ng mga barangay sa lalawigan ang hindi pa drug-cleared.
Sa pinakahuling operational accomplishment ng PDEA, nasa limang katao ang nadakip na high-value target noong nakaraang linggo mula sa tatlong isinagawang high-impact operations.
Ayon sa PDEA Region, nagpapatuloy ang isinasagawang drug-clearing sa lalawigan kung saan ay nasa 28 bayan at isang siyudad na rin ang naideklarang drug-cleared ng oversight committee ng PDEA, Dangerous Drugs Board, Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government at Department of Health. Nora Dominguez
https://www.youtube.com/watch?v=ggcGujJyAZk