Sumailalim sa isang sign language training ang mahigit na 83 guro sa lalawigan ng Zambales. Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng kaalaman ang mga guro sa pagsasagawa ng sign language lalong-lalo na ang mga Special Education Teachers.
Ang isinagawang training ay pinangunahan ng Philippine Registry of Interpreters for the Deaf (PRID) na isinagawa sa Tanyaw Beach Resort, Amungan, Iba, Zambales.
Layunin din ng aktibidad na ito na lalo pang linangin ang kakayahan ng mga guro na mayroon ng karanasan sa pagsasagawa ng sign language. (Iba, Zambales)
(Agila Probinsya Correspondent Cherendale Jose, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)