Mahigit siyam (9) na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa dalawampung barangay sa Gapan, Nueva Ecija sa Biyernes, Hunyo 16.
Sa inilabas na advisory ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative o NEECO 1, kasama sa mga na mawawalan ng kuryente ang mga sumusunod na barangay:
Brgy. San Lorenzo
Brgy. Pambuan
Brgy. Sta Cruz
Brgy. Mangino
Brgy. Maburak
Brgy. Kapalangan
Brgy. Makabaklay
Brgy. Mahipon
Brgy. Puting Tubig
Brgy, Bungo
Brgy, Balante
Brgy. Portion ng San Vicente
Brgy. Bayanihan
Brgy. Sto Cristo, Norte
Brgy. Malimba
Brgy. San Roque
Brgy. Sto Cristo Sur
Brgy. Bulak
Brgy. Parcutela at Walter Mart
Ang power interruption ay magsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang alas sais ng gabi. Ito ay upang bigyang daan ang pagsasagawa ng karagdagang feeder sa Gapan substation.