https://youtu.be/hdeDB_Ai9Rk
MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Mahigit 200 baby sea turtle ang pinakawalan ng Municipal Environment and Natural Resources at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bayan ng Marivels, Bataan. Isinagawa ito sa magkahiwalay na petsa sa dalawang barangay sa baybaying dagat nito.
Madalas matagpuan ng mga mangingisda sa tabing dagat ang mga pawikan na nangingitlog sa dalampasigan o sa buhanginan. Kaya agad na nilang inirereport ito sa BFAR para sa pagdadala sa Hatchery sa nasabing bayan.
Ayon kay Kingdom Gipega, Volunteer for Marine Turtle Conservation and Hatchery sa Mariveles, ibabaon aniya sa buhanginan ang mga itlog ng pawikan hanggang sa mapisa ito sa loob ng 70 araw saka ito pakakawalan sa baybaying dagat.
May katapat ding parusa sa ilalim ng newly Amended Philippine Fishries Code, RA 855350 sa amended by RA 10654 ang sinomang mapapatunayan na hinuhuli ang mga pawikan habang nangingitlog ito sa dalampasigan o mismong ang mga itlog nito ang kinikuha.
Ang pawikan ay kabilang sa mga endangered species.
Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan