SURIGAO CITY, Philippines (Eagle News) — Aabot sa mahigit isang libo at apat na raang (1,400) na kabahayan sa Surigao City ang napinsala dahil sa 6.7 magnitude na lindol na tumama sa lungsod nitong Sabado, Pebrero 11.
Sa ulat ng City Infomation Office ng Surigao City, sa kasalukuyan nasa mahigit anim na pung (60) pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center.
Hanggang ngayon problema pa rin aniya ang suplay ng tubig sa lungsod.
Ang suplay naman ng kuryente sa ilang bahagi ng lungsod ay naibalik na.
Suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa Surigao City habang patuloy ang pagsusuri ng mga awtoridad sa mga school building.
Dahil sa lindol, ilang gusali at tulay ang naapektuhan.
Pansamantala namang isasara ang runway ng airport sa Surigao City para sa gagawing rehabilitasyon.
Patuloy pa rin umanong nararamdaman ang aftershocks sa ilang bahagi ng lungsod, kung saan ang huli ay naitala ang intensity 3 kaninang alas tres ng madaling araw (3:00AM).