DAVAO CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa mahigit isang milyong voters identification cards ang hindi pa kinuha ng mga kinauukulan particular na sa Davao Region ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa nakalap na impormasyon, hinikayat ni COMELEC – Davao Regional Director Lawyer Remlane Tambuang, ang 1,193,816 na mga botante na kunin na sa tanggapan ng COMELEC ang kanilang ID.
Sa Davao City mismo ay mayroong 551, 628 ID’s na maaari ng makuha ayon kay COMELEC Director.
- 88,576 – 1st District
- 57,215 – 2nd district
- 38,756 – 3rd district
Habang maluwag pa aniya ang panahon ay samantalahin na ang pagpunta sa tangapan ng COMELEC upang maibigay ang kanilang kaukulang ID.
Saylan Wens – EBC Correspondent, Davao City