MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakadeploy na sa buong bansa ang nasa mahigit na tatlumpung libong police personnel ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay bilang bahagi pa rin ng ipinatupad ng PNP na Oplan SumVac o Summer Vacation 2018.
Ang mga nasabing pulis ay inatasan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na magbantay sa mahigit na apat na libong police assistance centers, mga lansangan, terminals, pantalan, paliparan, at ibang pang mga strategic location para matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong long summer vacation.
Naka-full alert status din ang buong puwersa ng PNP hanggang sa pagbubukas ng klase sa June 13, ito ay kahit pa wala silang direktang namomonitor na kahit anong uri ng banta sa seguridad lalo na ngayong Lenten break ng mga kababayan nating katoliko.
Matatandaang una na ring nagdeploy ng mahigit sa labingdalawang libong pulis ang NCRPO, sa buong metro manila partikular na sa mga matatong lugar, mga place of worship, at tanggapan ng pamahalaan na magbabantay sa seguridad ng mga kababayan natin ngayong summer vacation.
Eagle News Service Jet Hilario