(Eagle News) — Sa ating ulat panahon, patuloy na makakaapekto sa bahagi ng Luzon at Visayas ang northeast monsoon o amihan.
Kaya ngayong araw, ang Metro Manila, Visayas at ang natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may ilang mahihinang pag-ulan.
Habang makakaranas naman ang buong Mindanao ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may ilang mga pag-ulan.