Mainit na panahon mararanasan sa buong bansa

Photo courtesy of pagasa.dost.gov.ph

(Eagle News) — Walang namamataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, patuloy na umiiral ang easterlies na magbibigay ng mainit at maalinsangang panahon liban na lamang sa mga ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa buong bansa.

Inasahaan namang aabot sa 38 Degrees Celsius ang maximum temperature sa Tuguegarao City habang 34 Degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Related Post

This website uses cookies.