Mainit na panahon,  patuloy na mararanasan sa bansa, ayon sa PAGASA

(Eagle News) — Apektado ngayon ng northeasterly surface windflow ang  Luzon at Visayas habang easterlies naman  ang nakaaapekto sa Mindanao, na siyang dahilan ng maalinsangang panahon na patuloy na mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon pa sa PAGASA, kahapon ay naitala ang pinakamainit na temperatura na 33.6 degree Celsius  sa Science Garden sa Quezon City bandang  2:50 ng hapon.

Para sa araw na ito naman, ang Dinagat at Surigao provinces ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na mayroong isolated na pag-ulan o thunderstorms dahil sa easterlies.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon din ang mararanasan na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon .

Samantalang sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging bahagyang maulap lang ang papawirin.

Sinabi rin na PAGASA na walang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Related Post

This website uses cookies.