(Eagle News) — Passable na ang lahat ng mga pangunahing kalye sa Valenzuela City maliban na lamang sa mga tinatawag na “below-sea level” na ilang barangay sa lunsod.
Sa panayam kay Mayor Rex Gatchalian, 14 na barangay ang kabilang sa “below-sea level” na malapit sa Bulacan.
Paliwanag ni Gatchalian, ang mga tubig na ito ay nagmumula sa Meycauayan river at pagka-minsan ay umaabot sa kanilang lunsod.
Kapag bumaba na ang level ng Meycauayan river ay mabubuksan na nila ang kanilang mga flood gates upang humupa na rin ang tubig-baha sa nasabing14 na barangay.
Bumaba na rin sa 20 pamilya ang kanilang mga evacuees at nakauwi na ang karamihan sa mga ito.
“Yung mga inivacuate namin, hindi po lahat doon ay nakatira sa creek, dahil mayroon kaming properties na below sea level, so yung mga iyon po ay nageevacuate rin,” pahayag ng alkalde.