RAMON, Isabela (Eagle News) – Pinangunahan ni Vice Mayor Melvin G. Cristobal at Municipal Agriculturist, Ismael Vinoya ang pamamahagi ng mga makabagong makinaryang pangsakahan sa bayan ng Ramon, Isabela. Sampung (10) bagong Mechanical Rice Transplanter at dalawang (2) tractor na kumpleto na ang accessories ang ipinamahagi sa mga beneficiary. Ang proyektong ito ng Municipal Agriculturist Office ay mula sa BUB o Bottoms up Budget ng National at 20% Economic Development Fund ng Local Government.
“Malaking Biyaya sa magsasaka,” ito naging pahayag ni Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) representative Jonathan Almarez na isa ring recipient ng Rice Transplanter. Ang mga beneficiary tulad ng MAFC ay mula sa iba’t ibang Kooperatiba ng mga magsasaka na binuo mula din sa mga barangay sa nasabing bayan.
Ayon kay Vice mayor Cristobal, dumaan sa masusing validation ang pagpili kung kaninong grupo mapupunta ang mga makinarya. Hindi rin maaaring ibenta ng mga recipient ang mga nasabing makinarya base sa Memorandum of Agreement na kanilang pinirmahan.
Lanie Rasos-Romero – EBC Correspondent, Isabela