(Eagle News) — Hinihikayat ng Malacañang ang publiko na maagang magpa -rehistro para sa isasagawang mid-term elections sa susunod na taon.
Ayon kay Secretary Francis Tolentino, dapat aniyang samantalahin na ng mga kababayan natin na hindi pa nakapag-parehistro na magpatala na sa Commission on Elections dahil ito ay hanggang sa Setyembre lamang ngayong taon.
Mahalaga din aniya na makapagparehistro ang bawat mamamayang Pilipino para magamit ng bawat isa ang kanilang karapatan sa pagboto.
“Ongoing po yung registration ng botante. Hinihikayat natin yung mga hindi nakarehistro noon at yung darating sa hustong edad sa darating na eleksyon, eh dapat po magparehistro na. Hanggang sa Setyembre po ito pero mas maganda na maaga pa lamang ay makapagparehistro na,” pahayag ni Secretary Francis Tolentino.
https://youtu.be/DyoowyTO1Ro