Inilunsad ng Malacañang ngayong araw (Mayo 29) ang tinatawag na Mindanao Hour.
Ito ay kasunod ng martial law declaration ni Pangulong sa buong Mindanao sa loob ng 60 araw simula noong Mayo 23.
Layunin ng nasabing programa ang pagbibigay ng update sa publiko kaugnay ng nagpapatuloy na karahasan sa Marawi at sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, itinakda ang Mindanao Hour tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, sa ganap na 11:00 ng umaga.
Ang iba naman aniyang karagdagang updates ay aasahan din sa kaniyang mga press briefing tuwing Martes at Huwebes.