(Eagle News) — Iginiit ng Malacañang na huwag gawing literal ang lahat ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat tingnan at intindihin ang konteksto ng pahayag ng Pangulo at huwag bigyan ng literal na pakahulugan.
Ayon kay Abella, kung nagsalita man ang Pangulo na bibitayin niya ang mga European leader ibig lang sabihin huwag makialam ang mga ito sa ginagawang pamamalakad ng Chief Executive lalo na sa giyera laban sa iligal na droga.
Ginawa ni Abella ang pahayag matapos ipatawag ng Secretary General Ng European Union ang kinatawan ng pilipinas para pagpaliwanagin sa umano’y hindi katanggap-tanggap na pahayag ng Pangulo laban sa mga European Leader.
Inihayag ni Abella na nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas at European Union lalo na sa larangan ng negosyo.
Binabatikos ng European Union ang Duterte Administration sa ginagawang war on drugs na nagiging ugat umano ng paglabag sa karapatang pantao.
https://youtu.be/wxK621aDs6o