Malacañang, nanindigan na dapat cash-based ang 2019 national budget

(Eagle News) — Pinaninindigan ng malakanyang na dapat ay cash-based ang 2019 national budget.

Binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas maraming bentahe ang cash-based budget kumpara sa obligation based at akma ito sa isinusulong na kampanya ng gobyerno laban sa korupsyon.

Sinabi ni Roque na sa ganitong sistema ng alokasyon , mas mabilis ding matatapos ang mga proyekto at maiiwasan ang mga nakatiwangwang o nakatenggang government projects.

Iwas antala rin aniya ang cash-based budget maliban pa sa mawawala na rin ang ghost projects dahil available kaagad ang pondo at dapat ipatupad ang proyekto.

Related Post

This website uses cookies.