(Eagle News) — Tinawag ng Malacañang na fake news o kuryenteng balita ang kumalat na impormasyon na dinala sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na katunayan nasa Mindanao ang Pangulo.
Panauhing pandangal pa ang Pangulo sa ‘69th Araw ng Ipil’ sa Zamboanga Sibugay.
Ayon kay Roque, noong gabi bago ang State of the Nation Address nagpunta sa Cardinal Santos Medical Center ang Pangulo para sa kanyang regular medical checkup.
Lumabas sa resulta ng medical checkup na malusog ang Pangulo kaya malabo ang kumalat na balita na isinugod sa ospital ang Presidente.
Inihayag ni Roque na maaaring makasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news.
Nanawagan si Roque sa publiko na huwag agad maniwala sa mga balitang lumalabas sa social media.
https://youtu.be/vlfdDCBC3Rk