MANILA, Philippines (Eagle News) — Binigyan ng babala ng malakanyang ang amnesty international kaugnay ng akusasyon sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa sinasabing nagbabayad ang pulisya para likidahin ang mga illegal drug personalities kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na dapat na maging maingat ang Amnesty International sa pagpapalabas ng akusasyon.
Kaugnay nito niliwanag ni Abella na hindi kinukunsinti ng gobyerno ang mga kriminal na pulis.
Ginawa ni Abella ang pahayag matapos maglabas ng report ang Amnesty International na ang libo-libong mga drug personalities na napatay sa anti-illegal drug operations ay ipinapatay ng pulisya sa mga bayarang mamamatay tao kapalit ng lima hanggang labing limang libong pisong (Php 5,000.00 – Php 15,000.00) kabayaran.