AUGUST 28 (Eagle News) — Mariing pinabulaanan ng Malacañang na nakikialam ang gobyerno sa panloob na suliranin ng Iglesia Ni Cristo (INC).
“Government’s duty is to ensure that the laws of the land are complied with and does not wish to interfere in the internal affairs of any legitimate organization,” communications secretary Herminio Coloma Jr.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma tungkulin ng pamahalaan na matiyak na nasusunod ang batas at hindi layong makialam sa internal affairs ng alinmang lehitimong organisasyon.
Sinabi pa ni Coloma na “government is not taking an adversarial position against the inc whose contributions to national development and demonstration of civic consciousness are duly acknowledged.”
Aniya hindi rin gumagawa ng salungat na posisyon ang pamahalaan laban sa Iglesia Ni Cristo na kinikilala ang ambag sa national development.
Nagpa-alala rin ang Malacañang sa mga raliyista na panatilihing payapa at maayos ang protesta. Upang hindi maabala ang normal na aktibidad ng mga mamamayan.