KORONADAL CITY, South Cotabato (Eagle News) – Tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Public Market ng Koronadal City sa nangyaring sunog noong Martes ng gabi, October 10.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa tindahan na nagbebenta ng tsinelas at karne bandang 8:50 ng gabi.
Mabilis na kumalat ang apoy at umabot ito hanggang sa ikalawang palapag ng building.
Kabilang sa mga nasunog ang law office ni Koronadal City Vice Mayor Eliordo Ogena.
Agad namang rumesponde ang mga firetruck mula sa iba’t ibang bayan ng South Cotabato.
Tumagal ang sunog ng mahigit isang oras.
Nag-uumapaw ang lungkot na naramdaman ng mga negosyanteng nasunugan.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi at kabuuang halaga na natupok sa nangyaring sunog.
Catherine Hechanova – Eagle News Correspondent