(Eagle News) – Mahigit 400 Pilipinong atleta ang ipapadala para lumahok sa 29th Southeast Asian Games ngayong taon.
Ayon ito sa inisyal na listahan na inilabas ng Philippine Olympic Committee (POC).
Hinihintay na lamang na mabuo ang final roster ng indoor hockey at ng men’s at women’s volleyball squads para ganap na makumpleto ang listahan.
Ayon sa komite, ang mga kalahok na Filipino athletes ay sasabak sa 255 events mula sa kabuuang 405 featured events na idaraos sa 31 sports venues.
Ang biennial meeting ng mga lalahok ay nakatakda sa August 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nasa 642 na kabuuang atleta ang diumaoy lalahok ngayong taon.