Malaking kabute tumubo sa isang bahay sa Negros Occidental

E.B. MAGALONA, Negros Occidental (Eagle News) – Ilang malalaking mushroom o kabute na natagpuan sa isang dito sa isang bahay sa Bgy, Magalona, ang ngayon at pinagkakaguluhan sa baying ito.

Ang malalaking kabute at natagpuan sa tahanan ni Ma.Fe Pachejo sa Boulevard Street, Brgy. 2 E.B. Magalona, Negros Occidental na siyang pinagkakaguluhan ngayon ng kanyang mga kapitbahay. Ayon sa kanila, ang nasabing kabute ay basta na lamang tumubo rito.  Sa simula ay hindi nila ito pansin, ngunit nagulat na lamng sila nang bigla itong lumaki.

Agad naman nila itong ipinaalam sa Munisipyo ng E.B. Magalona upang matiyak na “mushroom” nga ang tumubo at kung maaari itong makain.  Namangha naman ang mga taong nakakita at pinatunayan nila na ito nga at “mushroom”. Humihingi rin ang iba nito para iluto sana ngunit hindi nila binigyan hanggat hindi sila nakakaseguro na ligtas nga itong kainin.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pang dumating ang mga eksperto para masuri at matingnan ang nasabing malaking kabute.

Annelyn Mae Tuting – Eagle News correspondent, Negros Occidental

92a79b6d-5025-4e8b-9d08-e75667e759f1