Malaking pawikan na-rescue sa Ipil, Zamboanga Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Isang malaking pawikan ang nalambat ng mga mangingisda na mayroong bigat na 180 kilograms.  Ang nasabing pawikan ay kabilang sa species ng  green sea turtle na isa umanong endangered species.

Ayon kay Felix Badon, Ipil MENRO, nahuli ng lambat ng mangingisda ang pawikan sa Sibakya, Barangay Sanito ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Agad itong ipinagbigay-alam sa kanilang tanggapan.  Ito na ang ika-98 marine sea turtle  na narescue ng LGU-Ipil mula noong taong 2012. Sa lahat naman aniya ng pawikan na kanilang na-rescue ay ito ang pinakamalaki sa lahat.

Matapos na masuri at malagyan ng tag ng kawani ng DENR ay ibinalik ang pawikan sa dagat sa tulong ng mga kawani ng 902nd Maritime Police Station and MENRO-Ipil.

Jen Alicante – ENC Correspondent, Zamboanga Sibugay

Related Post

This website uses cookies.