(Eagle News) — Ilang araw matapos ang magnitude 5.9 na lindol na tumama sa bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte noong Biyernes, Pebrero 8, patuloy pa ring nararanasan ng lalawigan ang malalakas na pagyanig.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang magnitude 3.7 na lindol kaninang alas 12:39 ng madaling araw sa 40 kilometers northeast ng bayan ng General Luna at may lalim na 11 kilometers.
Naitala rin ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 61 kilometers northeast ng bayan rin ng General Luna, kaninang alas 4:39 ng umaga at may lalim na 4 kilometro.
Tectonic ang origin ng dalawang malakas na aftershocks at wala namang naitalang pinsala sa ari-arian matapos ang pagyanig.