AGOSTO 7 (Agila Probinsya) — Nagpalabas ng Orange Heavy Rainfall Warning ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ilang lugar sa Visayas.
Ayon sa advisory ng PAGASA, makararanas ng malalakas na pag-ulan ang mga isla ng Panay, Guimaras at Negros.
Nagbabala ang PAGASA ng mga pagbaha lalo na sa mababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
Pinayuhan naman ang mga Local Disaster Response Field Office na magmonitor sa lagay ng panahon sa kanilang mga nasasakupang lugar.