LAGUNA (Eagle News) — Pinabubuwag ni Environment and National Resources Secretary Gina Lopez ang mga malalaking fish pens na umuukupa sa Laguna lake.
Sinabi ni Lopez na ilan sa mga nasabing fish pens ay hindi naman pag-aari ng mga mangingisda kundi ng mga malalaking korporasyon bagamat wala naman itong tinukoy na kumpanya.
Batay sa data ng Laguna Lake Development Authority o LLDA, 14,000 ektarya mula sa 100 ektarya ng lake ang inuukupa ng fish pens.
Ayon naman kay LLDA General Manager Neric Acosta, 400 may-ari ng mga fish pen ay nakarehistro sa kanila bagamat may mga report silang natatanggap na ang mga ito ay nagsisilbing dummy ng Korean at Chinese businessmen.