Malamig na temperatura nararanasan sa Luzon at Visayas – PAGASA

(Eagle News) – Malamig na temperatura na ang nararanasan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa epekto ng amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kahapon, Enero 7 ay naitala sa 21 degrees Celsius ang minimum na temperatura sa Quezon City hanggang alas 6:20 ng umaga.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, generally fair weather ang iiral sa buong Luzon at Visayas at makararanas lamang ng pulo-pulong pag-ulan lalo na ang mga lalawigang nasa silangang bahagi.

Magiging maganda rin ang panahon sa Mindanao maliban na lamang sa isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Ayon pa sa PAGASA, sa susunod na tatlong araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa loob ng bansa.

https://youtu.be/YzOJLVvJnpE