MANILA, Philippines (Eagle News) — Balak gamitin ng pamahalaan ang pondo mula sa malampaya upang pababain ang singil sa kuryente.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ito ay kung papayagan ng kongreso na magamit ang nasabing pondo.
Ayon kay Energy Spokesman Felix Fuentebella, iniisa-isa nang pag-aralan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang mga posibleng paraan upang mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer.
Isa na rito ang pagsa-subsidise sa generation charge na siyang binabayarang utang ng national power corporation mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM.