Malaysian hostages, pinalaya na ng Abu Sayyaf

(Eagle News) — Pinalaya na ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang apat na Malaysians na kanilang dinukot noong Abril sa Sabah.

Ayon sa Malaysia, nakabalik na sa Sabah ang mga biktimang magkapatid na Wong Teck Kang at Wong Teck Chii; kanilang pinsang si Johnny Lau Jung Hien at Wong Hung Sing

Ayon sa report, nagtagumpay ang Malaysian at Filipino negotiators para mapalaya ang apat na hostages.

Ang mga biktima ay crew ng tugboat ngunit habang pabalik ng Sarawak mula sa Pilipinas, dinukot ang mga ito ng mga bandido.

Hindi malinaw kung mayroong pagbabayad ng ransom para sa kalayaan ng Malaysian hostages.

Matatandaang una nang nag-demand ang ASG ng P40-million na ransom para sa kalayaan ng mga biktima.

Related Post

This website uses cookies.