CIUDAD De Victoria, Bulacan — Naging payapa at matagumpay ang dalawang araw na isinagawang Maligaya Summer Blast sa Philippine Arena noong Mayo 27 at 28 na nilahukang ng maraming kapatid kasama ang kanilang pamilya na mula pa sa iba’t-ibang dako.
Kasama ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, masigla rin itong dinaluhan ng mga nasa uring umaanib pa lamang o nasa kalagayang dinudoktrinahan at sinusubok.
Sa naging dalawang araw na aktibidad ay iba’t-ibang games at rides ang talaga namang kinaenjoyan, hindi lamang ng mga bata maging ng mga matatandang sumama sa nasabing akitibidad.
Nag enjoy rin ang mga bata lalo na sa mga Carnival Rides tulad ng Latern Wheels, Dragon Rides, Vikings, iba’t-ibang game booths, inflatables, Water Park Slide, Ball Pit, Bucket Brigade, Archery at iba pa.
Natuwa rin ang mga matatandang nakisaya sapagkat nagkaroon sila ng pagkakataon magpamassage, foot spa, fish spa at nail art maging sa Exhibits and Trade fairs. Nag-enjoy rin ang lahat sa Slip and Slide na special attraction sa isinagawang aktibidad.
Pagsapit naman ng gabi ay mas naging masigla ang lahat sa isinagawang Lights and Sounds Parade bago magsimula ang concert sa loob ng Philippine Sports Stadium. Sa unang araw ng Summer Blast ay nagperform ang mga bandang Jumanji Incident, Joey’s Mailbox, Mayonnaise at ang Silent Sanctuary.
Sa ikalawang gabi naman ay nagperform ang bandang Bob, Yolanda Moon, Up Dharma Down, Razorback, Giniling Festival at Gloc 9.
Ang Maligaya Summer Blast ay nagtapos sa isang Fireworks Display na talaga namang inabangan ng mga manunuod. (Eagle News Service, MRFB)