QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — All set na ang gagawing Maligaya Summer Blast 2018 sa Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan ngayong weekend, ika-14 ng Abril hanggang ika-15 ng Abril.
Bukod sa mga palaro, concert at iba pang aktibidad, masisilayan din ng publiko ang bagong atraksyon na makikita sa “The Garden.”
Ayon kay kapatid na Glicerio Santos, Jr. Pangkalahatang Auditor ng Iglesia Ni Cristo, ideya ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang kapatid na Eduardo V. Manalo, ang taunang Summer Blast, kung saan nais ng Pamamahala na makapag-bonding ang bawat miyembro ng pamilya.
Gayunman nilinaw ng kapatid na Santos na hindi lamang sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang nasabing aktibidad.
Taong 2015 sinimulan ang Maligaya Summer Blast sa Ciudad De Victoria.
Bawat taon, nadaragdagan ang atraksyon sa aktibidad na itinataon tuwing Abril para bakasyon ang mga mag-a-aral.
Mga kilalang banda at singers din ang magko-konsyerto sa dalawang araw na Summer Blast.. Leander Denver Garcia