Mangingisdang Pilipino, payagang mangisda sa West Philippine Sea – Duterte

Screen shot 2016-05-23 at 8.27.32 PM(Eagle News) — Umapela si incoming president Rodrigo Duterte sa pakikipag-usap nito kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa Davao City na pahintulutan ang mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang pangingisda sa West Philippine Sea.

Ayon kay Duterte, malaking bagay kung babalik na sa normal ang situwasyon  sa lugar at magagawa na ng mga mangingisdang Pilipino ang kanilang aktibidad ng walang harassment.

Dagdag pa ni Duterte, patuloy na magiging kaalyado ng Pilipinas ang mga  kanluraning bansa gaya ng  Estados Unidos at sa sandaling umupo na bilang pangulo, nakatakda niyang isulong ang multilateral talks ukol sa  territorial dispute.