Mangrove planting, isinagawa ng mga miyembro ng Coast Guard, CENRO sa Bislig

 

Ilan sa mga lumahok sa mangrove planting sa Hinatuan, Bislig.

BISLIG, Surigao del Sur (Eagle News) — Nagsagawa ng mangrove planting sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur kamakailan.

Isinagawa ng mga miyembro ng Coast Guard, Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Bislig at ng mga barangay official ng Loyola ang aktibidad bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong buwan ng Mayo bilang Month of the Ocean.

Sinimulang ipinagdiwang ang buwan ng Mayo bilang Month of the Ocean sa Pilipinas noong 1999, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 57 ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang tema ngayong taon ay “Tayo at ang Karagatan.”

Bilang pakikiisa ng bayan ng Bislig, 200 mangrove seedlings ang itinanim sa baybayin.

(Eagle News Service, Surigao del Sur Correspondent Issay Daylisan)

Related Post

This website uses cookies.