ISABEL, Leyte (Eagle News) – Nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng mangrove planting sa Isabel National Comprehensive School (INCS), Isabel, Leyte noong Sabado, April 15.
Labis naman ang katuwaan ng pangasiwaan ng nasabing paaralan dahil sila ang napili bilang recipient ng aktibidad kung saan sa Mangrovitum na kanilang paaralan isinagawa ang pagtatanim. Ang mga seedling na itinanim ay malaki ang maitutulong para sa eco-friendly sustainability project ng paaralan.
Nasa 150 mangrove seedling ang kabuuang naitanim sa mayroong iba’t ibang species, tulad ng:
- 100 Bungalon specie
- 20 Malatangal specie
- 30 Bani specie
Ang mga nabanggit na mga seedling ay mula sa Leyte Agricultural Producer Cooperative (LAPCO).
Ayon kay G. Nestor Dagad, isa sa mga Board of Directors ng LAPCO, handa ang kanilang tanggapan na makipagtulungan sa mga aktibidad ng Iglesia Ni Cristo na may kinalaman sa pagmamalasakit sa kapaligiran.
Bebeilyn Masong – EBC Correspondent, Isabel, Leyte