Mangrove-planting ng mga drug surrenderee sa Padada, Davao del Sur matagumpay na naisagawa

PADADA, Davao Del Sur (Eagle News) – Naging matagumpay ang mangrove planting activity na isinagawa sa Barangay San Isidro, Padada, Davao Del Sur noong Linggo, Mayo 28.

Ito ay pinangunahan ni Mayor Pedro Caminero Jr., at mga personahe ng Padada Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jesse Dellosa, offiver in charge ng Padada MPS.

Nakipagkaisa rin ang mga kapitan ng barangay mula sa Palili, San Isidro at Upper Limonzo.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan din ng mga drug surrenderee sa Padada.

Ayon kay Dellosa, ang aktibidad ay may kaugnayan sa community-based program para sa mga drug surrenderee mula sa mga nabanggit na lugar.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondents, Davao City

Photos courtesy of Pulis Padada Davao Del Sur

 

Related Post

This website uses cookies.