SAN TEODORO, Mindoro Oriental (Eagle News) – Bilang bahagi ng pag-ibig sa kapwa-tao ay nagsagawa ang Kapulisan ng Bayan ng San Teodoro, Oriental Mindoro ng isang aktibidad na tinawag nilang “Mangyan Desk to the Barangay.” Isinagawa ito sa Barangay Hall ng Bigaan sa pangunguna ni PSInsp. Arman G. Rubio.
Layunin nito ay ilapit ang damdamin ng mga katutubo sa kapulisan at maipadama na mahalaga sila sa Lipunan. Tinalakay sa aktibidad ang mga karapatan at batas ukol sa R.A 9262 Violence Against Women and their Children, R.A 7610 Anti-Child Abuse Law at iba pang mga batas ng pang-aabuso. Ang nasabing programa ay dinaluhan ng 32 katutubong mangyan.
Labis ang katuwaan ang naramdaman ng mga katutubong Mangyan sapagkat nagkaroon sila ng dagdag kaalaman ukol sa kanilang karapatan. Sa huling bahagi ng programa ay nagkaroon ng isang Open Forum na kung saan ay nagbukas ng saloobin at hinaing ang mga katutubo sa mga kapulisan.
Ayon kay SPO2 Reynald G Tolentino, ipinapangako nila na aaksyunan agad ang mga hinaing ng mga katutubo at magkakaroon ng pantay na katarungan.
Jharm Parilla at Leoven Calseña – EBC Correspondents, Mindoro Oriental